Close

LTFRB, ibinalik na sa P9 ang minimum fare sa PUJs

Sponsor ads


Ibinalik na ng Land Transportation Franchising and Regulatory board (LTFRB) ang minimum jeepney fare sa P9 sa gitna ng patuloy na pagbaba ng petroleum products.

Sa Board Resolution No. 091-2018 na inilabas ng LTFRB, nakasaad dito ang provisional rollback ng PUJ minimum fare sa P9 para sa unang apat na kilometro para sa Regions 3, 4, at NCR.

Ang naturang resolusyon ay agad na ipapatupad matapos ipublisa sa mga pahayagan.

Paglilinaw naman ng LTFRB, ang provisional rollback sa pasahe sa mga jeep ay walang kinalam sa letter request noong October 23 2018 na humihirit na i-review ang desisyon ng Board noong October 18, 2018 na nagpapatupad ng P10 minimum fare sa mga jeepney.