Close

LRT-2 operations, pansamantalang itinigil dahil sa nasunog na rectifier

Sponsor ads


Pansamantalang itinigil ang operasyon ng LRT line 2 matapos na masunog ang power rectifier nito kaninang pasado alas 11 ng tanghali.

Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRT line 2, ang nasunog ay ang power rectifier 5 and 6 na matatagpuan sa Katipunan.

Nagsimula umano itong magbuga ng usok kaya minabuting itigil muna ang operasyon at pinababa ang lahat ng pasahero.

Kasalukuyang inaapulo ng mga otoridad ang sunog na nasa baba ng LRT.

Patuloy namang inaalam ng technical staff ng LRT line 2 ang sanhi ng sunog sa bahagi ng Katipunan.

Sa ngayon ay di pa alam kung kailan maibabalik ang operasyon.