Close

LPP, iminungkahi na isagawa na ang face-to-face classes sa mga SUCs

Sponsor ads


Iminungkahi ng League of Provinces of the Philippines (LPP) na isagawa na ang face-to-face classes sa mga kolehiyo, unibersidad at ilang mga institusyon sa bansa, sa gitna pa rin ng kinakaharap na pandemya.

Sinabi ni LPP president at Marinduque governor Presbitero Velasco, na sa tingin nila maaari nang bumalik sa face-to-face classes ang mga nasa higher education institution dahil nasa edad na aniya ang mga ito at kaya na nilang ingatan ang kanilang mga sarili laban sa virus.

Matatandaan na inaprubahan kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa mga kolehiyo at unibersidad sa bansa ngunit tanging sa mga medical at allied health science programs lamang.

Pero nitong linggo, kumambyo ang Malacañang at sinabing hindi pa rin aprubado ni Pangulong Duterte ang pagsasagawa sa face-to-face sa kahit anong antas sa buong bansa.