Close

LP, kinundena ang pag-aresto ng BI sa Australian nun

Sponsor ads


Mariing kinundena ng Liberal Party ang pag-aresto ng Bureau of Immigration (BI) sa 71 anyos na madreng Australian na si Sister Patricia Fox mula sa kanyang missionary house sa Quezon City kahapon.

Ayon sa partido, naganap ang pag-aresto isang araw matapos na harangin naman sa airport ang Italian official ng Socialist Party ng European Union na si Giacomo Filibeck na kilalang kritikal sa war on drugs campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakaka-alarma aniya ang nagaganap na 'crackdown' o pagtugis sa mga dayuhang aktibista sa bansa kung saan ipinakita ang panggigipit at kasual na pag-aresto sa dalawang human rights advocates nang wala naman sa kahit anong kilos protesta o rally nang ikinustodiya.

Napapatunayan lamang umano nito kung gaano ka-kwestyunable ang nais na itago ng administrasyon tungkol sa war on drugs campaign at iba pang polisiya.

Mababatid na inaresto ng BI si sister Fox matapos itong lumahok sa iba't-ibang rally at ilegal na political activities sa bansa.