Close

LGU-Malay, umapela nang tulong sa maaapektuhang residente sa Boracay

Sponsor ads


BORACAY, ISLAND — Umapela ngayon nang tulong ang lokal na pamahalaan ng Malay sa Boracay inter-agency task force na mahanapan ng relocation at housing site para sa mga lokal na residente sa isla ng Boracay na nasa wetlands at forestland.

Ang nasabing mga residente ay maaapektuhan sa nakatakdang pagpapasara ng Boracay sa Abril 26 at ayon sa LGU-Malay limitado lamang ang kanilang resources at hindi sila handa na masuportahan lahat ang apektadong residente na ang kinatitirikang bahay ay namana pa nila sa lupain ng kanilang mga ninuno na ngayon ay idineklara nang wetlands and forestlands sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 1064.

Umaasa naman ang LGU-Malay na ang national government agencies na imbolbado sa Boracay rehabilitation ay magkaroon ng plano na tutulong sa mga apektado para kahit paano ay may pagkukunan ng kabuhayan. BNFM Kalibo