Close

Kuwaiti gov't, may pananagutan sa pagkamatay, abuso sa OFWs

Sponsor ads


Palasyo naniniwalang may responsibilidad ang Kuwaiti Government na aksiyunan ang mga kaso ng pagpatay sa mga OFWs sa kanilang bansa

Naniwala ang Palasyo na may pananagutan ang Kuwaiti government na umaksiyon para bigyan ng katarungan ang mga kaso ng pagpatay sa mga Overseas Filipino Workers sa koob ng kanilang bansa.

Ayon sa kay Presidential Spokesman Harry Roque inaantay nila ngayon ang magiging hakbang ng Kuwait upang mabigyan ng katarungan ang mga OFWs na nasawi sa kamay ng kanilang mga employer.

Isa umano ito sa mga dahilan kung bakit nagdadalawang isip ang Pangulo kung itutuloy ba ang pagbisita nito sa gulf state.

Giit ni Roque nais umano kasi ng Pangulo na malaman ang magiging tugon ng pamahalaan ng Kuwait at kung paano nito mapananagot ang mga salarin na pumaslang sa ating mga kababayan.