Close

Kurapsyon sa LGUs, balakid sa pagpapabuti ng serbisyo ng telcos

Sponsor ads


Inilantad ng presidente ng malaking telecommunications company na matinding kurapsyon at red tape sa mga lokal na pamahalaan ang sanhi ng mabagal na pagpapabuti at reporma sa mga serbisyo ng mga telcos sa bansa.

Ito ang napag-alaman ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang pag-uusap ni Globe chief executive officer Ernest Cu matapos na magbanta ang pangulo na ipasasara ang mga higanteng telcos na Globe at Smart kung walang pagbabago sa kanilang serbisyo hanggang matapos ang taon.

Ibinunyag ni Cu na napakaraming permit at dokumento pati kung anu-anong bayarin ang hinihingi ng mga LGUs sa Globe para mapahintulutang makapagpatayo ng mga karagdagang telecommunications tower.

Ayon pa kay Cu, inaabot ng walong buwan ang pagproseso ng mga permit at pabagu-bago rin ang mga permit na hinihingi kaya di nila alam kung matutuloy pa ang mga proyekto ng Globe para mapabuti nila ang serbisyo sa taumbayan.

Kaya naman hinimok ni pangulong Duterte ang mga telcos na magsumbong sa Department of the Interior and Local Government (DILG) tungkol sa mga kurap na LGUs.

Mababatid na kasama ang pagtatayo ng mga telco towers sa programa na "ese of doing business" ng administrasyon na nagsusulong na mapabilis at maging simple ang pagproseso ng mga permit sa bansa.