Close

Kritisismo sa umanoy mabagal na Marawi Rehab, inalmahan

Sponsor ads


Nanindigan si Task Force Bangon Marawi Chairman Eduardo del Rosario na 'on time' pa rin ang ginagawa nilang rehabilitation sa Marawi City.

Ito ay sa kabila ng naunsiyaming ground breaking rites para sa pagsisimula ng development plan sa Ground Zero o “Most Affected Area” ng lungsod na nasira bunsod ng ilang buwang bakbakan sa pagitan ng gobyerno at Maute-ISIS group.

Magugunitang nagkaproblema ang Chinese-led company na Bagong Marawi Consortium na siyang nanalo sa Swiss Challenge dahil hindi umano ito naka-comply sa mga requirements na hinihingi ng gobyerno.

Sa Bangon Marawi briefing sa Malakanyang, inihayag ni del Rosario na ang hinihintay nila sa ngayon ay ang isusumiteng development plan ng Power Construction Corporation of China o POWERCHINA na siyang second proponent sa isinagawang bidding.

Samantala binalewala naman ni del Rosario ang mga puna ng kritiko na tila mabagal umano ang rehabilitasyon sa naturang lugar.

Ayon kay del Rosario kung siya lamang ang masusunod gusto niyang matapos ang Marawi Rehab bago ang December 2020 sa halip na December 2021 na target ng gobyerno.

Pakinggan natin ang bahagi ng pahayag ni Task Force Bangon Marawi Chairman Eduardo del Rosario.