Close

Kris at Atty. Gideon Peña, nilinaw na magkaibigan lang sila

Sponsor ads


Nilinaw ni Kris Aquino na magkaibigan lang sila ng nali-link sa kanya na si Atty. Gideon Peña na kasama niyang dumating sa premier ng pelikulang I Love You, Hater sa SM Megamall.

Kapansin-pansin kasi na lahat ng mga artistang nanood ay dumaan sa red carpet, sina Kris at Atty. Gideon ay dumaan sa likod ng SM cinemas.

Nang makausap ng media si Kris ay sinabi niyang "no" na sinigundahan din ni Atty. Gideon na magkaibigan lang sila.

Pinasalamatan din ni Kris si Atty. Gideon sa pagsama sa kanya pero nilinaw niyang magkaibigan lang sila at kliyente siya nito .

Pagkatapos ng premier ay magkasama pa rin sina Kris at Atty. Gideon na umalis.