Close

Kris Bernal, itinuon ang atensyon sa mga alaga

Sponsor ads


Habang abala ang maraming celebrities sa pagbibigay ng tulong sa mga frontliners at pinaka-apektado ng COVID-19, ang mga asong kalye namang ang naging sentro ng atensyon ni Kris Bernal.

Sa isang social media post, makikitang may hawak na plastic bowl ang aktres na may laman na pagkain ng aso.

Ayon sa caption, gaya ng mga tao, nagugutom din ang mga askal na gumagala sa kalye, kaya naman naisip niyang mag-iwan ng pagkain sa labas para sa mga ito.

Kwento ng aktres, dalawa hanggang tatlong beses siyang nagbibigay ng mga pagkain sa labas ng kanilang bahay para sa mga gumagalang mga aso.

Dahil aniya abala ngayon ang lahat sa pagprotekta sa sariling pamilya sa loob ng mga bahay, mahalagang may magmalasakit din sa mga hayop na kung makapagsasalita lang aniya, ay magrereklamo din dahil sa gutom at uhaw.