Close

Kris Aquino, inalok mag-audition sa isang US series

Sponsor ads


Todo dasal ngayon ang fans ni Kris Aquino para sa posibleng international project ng Queeon of all media.

Ito ay matapos ang latest instagram post ni Kris na sinabing inalok syang mag-audition para sa isang US series.

Ayon sa actress/ TV host, influencer, may ipinadalang script sa kanya ang kanyang American agent para sa multi-ethnicity production pero para sa unique type of series.

Hindi pa raw nakita ni Kris kung bukas pa rin ang role.

Ikinatuwa naman nya ang nasabing balita at sinabing SURREAL dahil inalok syang mag-audition ngayong di na sya lumalabas sa telebisyon ng mahigit dalawang taon at nagbi-binge watch lang ng mga paborito nyang US series.

Nangako naman ang kanyang followers na magdadasal sila para makuha ni Kris ang role.