Close

Kris Aquino, ibinahagi ang teaser ng kanyang bagong TV program

Sponsor ads


Ibinahagi ni Queen of All Media Kris Aquino ang video teaser ng kanyang upcoming show na "Love Life with Kris" sa TV5.

Makikita sa video na naglalakad si Kris sa studio ng TV 5 habang suot ang kanyang all-black outfit.

Sinabi ni Kris sa kanyang video: "Maraming nagsabi that this day would never arrive, after hearing that too many times, even I started to believe in it. Yet, nandito na ako."

Sinabi rin ni Kris na hinarap niya ang kanyang mga pagkakamali at tinanggap niya na maraming beses siyang nagkulang.

Iginiit ni Kris na natutunan niya na iwanan ang kahapon, at pinili niya na patawarin ang sarili "for being human", at dahil itinuring niya ang sarili niya bilang victim at dahil kamuntikan na siyang sumuko.

Sa huli ay sinabi ni Kris sa video: "this isnt the end of my story, thanks to all of you, I'm starting my new beginning."

Matatandaan na huling nakita si Kris sa pelikulang "I Love You Hater" ng Star Cinema, at nagkaroon rin ito ng cameo appearance sa adaptation ng "Crazy Rich Asians."

Samantala, hindi pa inaanunsyo kung kailan maieere ang unang eisode ng "Love Life With Kris."