Close

Kris, may sakit na chronic spontaneous urticaria

Sponsor ads


Sa mga sumusubaybay sa issue sa kalusugan ni Kris Aquino, inihayag nito sa pamamagitan ng isang Instagram post ang diagnosis ng kaniyang pagpapatingin sa mga medical specialists sa Singapore.

Ayon sa post, chronic spontaneous urticaria ang sakit ni Kris na isang uri ng skin rash na may red, itchy bumps na nagdudulot ng hapdi at at posibleng kumalat sa ibang bahagi ng katawan.

Pero dahil chronic, ang sakit ng aktres ay nangangahulugang maaari itong bumalik-balik kahit walang trigger.

Nagpasalamat naman si Kris sa lahat ng kaniyang mga taga-suporta sa patuloy na pagdarasal para sa kaniyang kalusugan.

Magugunitang biglaang tumungo sa Singapore si Kris upang magpatingin dahil sa 15 pounds na ibinaba ng timbang nito na nakita niya umano noon sa inang si dating Pangulong Cory Aquino bago it madiagnose ng cancer.

Nag-ugat ang issue sa kalusugan ng Quuen of All Media nang maloko ito ng isang trusted business partner kung saan milyung-milyon umano ang nanakaw sa kaniya.