Close

Kontrobersyal na arms deal ng US at Taiwan posibleng ikagalit ng Beijing

Sponsor ads


Aprubado na ng US state Department ang pagbebenta ng $2.2 billion na halaga ng mga armas sa Taiwan.

Ayon sa Pentagon, kabilang rito ang 250 stinger missiles at 108 abrams.

Naging kontrobersiyal ang pag-apruba ng US state sa pagbebenta ng kanilang armas dahil tinututulan ito ng Beijing.

Sinabi ni Chinese foreign ministry spokesman Geng Shuang sa US state Department na intindiin kung gaano kasensitibo ang kanilang pasya.

Binigyang diin rin ni Shuang na dapat sumunod ang bansa sa Chinese principle.

Pero pahayag ng Defense Security Cooperation Agency (DSCA), naipabatid na sa kongreso ang arms deal at mayroon na lamang isang buwan ang mga mambabatas para tutulan ito.