Close

Komedyanteng si Bentong pumanaw na, 55

Sponsor ads


Pumanaw na sa edad na 55 ang komedyanteng si Comedian Domingo Vusotros Brotamante Jr., o mas kilala sa showbiz bilang si 'Bentong'.

Kinumpirma ang pagpanaw ng aktor ng kanyang son-in-law na si Arvin Vincent Anierdes sa pamamagitan ng isang post sa social media.

Binawian ng buhay si Bentong bandang alas-5 ng umaga sa Fairview General Hospital sa Quezon City.

Ayon sa post ni Anierdes idineklarang dead on arrival sa naturang pagamutan ang komedyante dahil sa cardiac arrest.

Nagsimula ang karera ni Bentong bilang production assistant sa ABS CBN subalit nabigyan ng break na maging comedian lalo nang maging side-kick ni television host Willie Revillame.