Close

Kobe Paras, maglalaro para sa UP sa UAAP Season 82

Sponsor ads


Lalong lumiliwanag ang kinabukasan ng basketball team ng University of the Philippines (UP) para sa nalalapit na UAAP Season 82.

Maliban kasi kay Ricci Rivero, isa na namang big time move ang ginawa ng UP dahil nakuha ng eskwelahan ang bigatin at isa pang Gilas cadet na si Kobe Paras.

Kinumpirma ni Kobe ang kanyang pagsali sa koponan ngayong araw kung saan sinabi nitong umaasa syang makakatulong sa pag-angat ng basketball team ng UP.

Kailangan munang bumuo ng one year residency ni Kobe bago makapasok sa team.

Samantala, like Father like son naman ang hirit ng mga UAAP fans dahil tila sumunod si Kobe sa yapak ng kanyang amang si Benjie Paras na naglaro rin noon sa UP.

Sa katunayan ay huling nanalo ang UP noong 1986, panahon ni Benjie.