Close

Kim Jong Un, may ultimatum vs US re: NoKor vessel na naka-hold

Sponsor ads


Nag-isyu ng ultimatum si North Korean leader Kim Jong Un sa America para ibalik ang kanilang cargo ship na naka-hold sa America.

Ayon sa North Korea, ang pag-hold ng America sa pangalawang pinakamalaking barko ng Pyongyang ay maituturing na paglabag sa international law.

Inihayag din ng Pyongyang na pagsira din ito sa pagsisikap nina US president Donald Trump at Kim na magkaroon ng maayos na usapan sa isinagawa nilang summit sa Singapore noong nakaraang taon.

Tiniyak din ng Pyongyang na mataman silang magbabantay kung paanong tutugon ang America sa kahilingan ng kanilang leader.

Paliwanag naman ng America na illegal na nagta-transport ng uling ang Wise Honest vessel sa labas ng North Korea kaya nila ito hinarang.