Close

Kim Chiu, nakalikom na ng pondo para sa COVID-19 mass testing mula sa #BawalLumabas merchandise

Sponsor ads


Ibinahagi ng aktres na si Kim Chiu sa social media ang magandang hakbang na kanyang ginawa matapos ang isang buwan nang ilunsad niya ang sariling merchandise batay sa #BawalLumabas meme.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Chiu na nakapamahagi siya ng relief kits para sa 1,500 pamilya at nakalikom ng P300,000 mula sa lahat ng #BawalLumabas merchandise na kanyang nabenta.

At alinsunod sa kanyang pangako, idinonate ni Chiu ang lahat ng nakuhang proceeds sa Shop and Share, na proyekto ng kapwa mga artista na sina Angel Locsin, Anne Curtis at Dimples Romana na layong makapagsagawa ng coronavirus mass testing sa Pilipinas.

Ang naturang merchandise ay marka ng isa na namang tagumpay para kay Chiu, matapos maranasan ang inilarawan nitong isa sa "lowest points" ng kanyang buhay.

Bago nito, naglabas si Kim ng #BawalLumabas official single, na sinundan ng isang wave ng viral dance at music covers.