Close

Kilos protesta sa paliparan ng Hong Kong, dinaos sa ikalawang araw

Sponsor ads


Daan-daang mga flights ang nakansela o nasuspindi sa Hong Kong airport dahil sa nag-pa-patuloy na pro-democracy rallies.

Itinuloy ng mga tao sa kanilang kilos-protesta na nagsimula bilang pagtutol sa extradition bill sa kabila ng babala sa kanila ng city leader na papunta na sila sa "path of no return."

Hindi rin nagpatinag ang mga rallyista sa mga babala ng Beijing na dapat ay matuldukan na ang 10-linggong rally, habang ipinalalabas ng state media ang videos ng security forces na nagtitipon na sa kanilang border.

Mababatid na ang Hong Kong airport ay kinukunsidera bilang isa sa mga pinaka-abalang airport sa buong mundo.

Lahat ng check-ins ay kinansela noong Martes matapos gumawa ng mga aktibista na may suot na itim na damit ng barikada gamit ang mga trolleys na dahilan upang hindi makalusot sa security gates ang mga pasahero.

Bago ang rally noong tanghali ng Martes ay nagbigay si Hong Kong leader Carrie Lam ng emosyonal na press conference kung saan ay nagbabala siya na magkakaroon ng delikadong consequences kung hindi matitigil ang mga karahasan.

Noong Lunes ay una nang sinabi ng mga pulis na umabot sa 5,000 ang bilang ng mga rallyista na pumuno sa establishimyento upang kondenahin ang karahasan ng mga awtoridad sa pagbuwag sa mga rally noong weekend.


(Photo from: Reuters)