Close

Kid Peña ng LP, naiproklama na bilang congressman ng Makati 1st district

Sponsor ads


Naiproklama na si Romulo "Kid" Peña ng Liberal Party bilang congressman ng Makati City 1st district.

Tinalo ni Peña ang mahigpit nitong katunggali na si dating Vice President Jejomar Binay.

Nakakuha si Peña ng 71,035 na boto na mas marami kung ikukumpara sa 65,229 na boto na nakuha ni Binay.

Hiniling naman ng kampo ni Binay na i-delay ang proklamasyon dahil sa paniniwala nito na hindi tugma ang bilang ng mga boto na nakolekta kung ikukumpara sa bilang ng mga botante na bumoto.

Paliwanag ng kampo ni Binay, nasa 147,164 na tao ang bumoto ngunit tanging 138,205 na boto lang ang naitala na ang ibig sabihin ay meron pang 8,959 na boto ang kulang.

Gayunman, hindi pinagbigyan ng Election Officer na si Attorney Jayvee Villagracia ang mosyon ng mga Binay, at sa halip ay iminungkahi sa kanila na maghain ng protesta.

(Screenshot via Inquirer video)