Close

Kevin Durant maaari nang makapaglaro sa Game 5 ng NBA finals

Sponsor ads


Good news para sa fans ni Kevin Durant!

Mas malaki na ang chance na makabalik na sa paglalaro si Kevin Durant sa Game 5 ng NBA finals.

Inanunsiyo ito ni Warriors Coach Steve Kerr.

Sa ngayon ay nasa 3-1 na ang standing ng dalawang koponan kung saan leading ang Toronto Raptors.

Isang panalo na lang ang kakailanganin ng Toronto para maging kampyon habang tatlong panalo naman para sa Warriors.

Matatandaan na nagkaroon ng calf injury si Durant kaya matagal na itong hindi nakalaro.

Nagbalik na sa pag-eensayo ang naturang player para maging handa sa pagsabak sa laro.