Close

Kevin Durant kinailangang iwan ang laro matapos indahin ang calf injury

Sponsor ads


Napilitan si Kevin Durant ng Golden State Warriors na iwan ang Game 5 sa NBA finals sa natitirang 9 minutes at 46 seconds ng 2nd quarter.

Ito ay dahil muli niyang ininda ang calf injury.

Inilabas sa laban si Durant para makapagpahinga.

Mababatid na ngayon pa lamang muling nakalaro si Durant dahil sa kanyang injury.

Sa maiksing panahon ng kanyang paglalaro ay nakapagtala naman si Durant ng 11 points.