Close

Kevin Durant, lilipat na sa Brooklyn Nets

Sponsor ads


Tuloy na tuloy na ang paglipat ng forward player na si Kevin Durant sa Brooklyn Nets.

Pumayag ang player sa $141 milyong apat na taong kontrata sa koponan.

Ipinost ni Durant sa kanyang instragram ang bagong nets jersey na may number 7 pati na ang magiging bagyo niyang locker room.

Ngayon pa lamang mababago ang numero ni Durant dahil simula noong siya ay 16 taong gulang pa lamang ay number 35 na ang kanyang ginagamit.

Sinabi ng general manager ng Nets na si Sean Marks na malaki ang maitutulong sa kanilang grupo na pagkakadagdag ni Durant sa kanilang team.

Tiwala siyang malaki rin ang maiimbag nito sa lakas at kakayahan ng grupo.