Close

Kevin Alas, nagpapagaling na matapos ang ACL surgery

Sponsor ads


Patuloy ngayong nagpapagaling si NLEX guard Kevin Alas sa ospital matapos sumailalim sa surgery dahil sa ACL (anterior cruciate ligament) sa kanyang kanang tuhod.

Ayon sa ama ni Alas na si Phoenix coach Louie Alas, okay ang kalagayan ni Kevin at baka ngayong araw o sa Martes ay makalabas na ng ospital.

Dagdag ng coach, in high spirits naman ang manlalaro pero humina lamang ang apetite.

Inaasahang dadaan si Kevin sa therapy matapos ang dalawang linggo.

Mababatid na natamo ng guard ang nasabing injury matapos ang kanilang laban kontra Meralco Bolts noong Pebrero 2.