Close

Kc Concepcion, miss nang umarte!

Sponsor ads


Aminado ang aktres na si KC Concepcion na namimiss na niya ang Philippine showbiz!

Napagtanto ni Kc na namimiss na niyang umarte nang dumalo ito sa US premiere kung saan tampok sina Eva Noblezada at Lea Salonga.

Dahil rito ay binalikan niya ang kanyang dating movie na Boy Golden na inilaban sa 2013 Metro Manila Film Festival.

Sa kanyang instagram post ay nagshare rin si KC ng clip ng kanyang pelikula kung saan makikita siyang nagpeperform ng isang seductive striptease habang dahan-dahang tinatanggal ang kanyang damit.

Comment naman ng isang netizen, hindi bagay kay KC na isang eleganteng babae ang sumayaw ng seductive.

Sagot naman niya, "Thank you for your kind words. However I would like to think that this is the whole point of exploring your versatility as an actress."