Close

Kawalan ng social distancing sa police mobile, ikinadismaya ni KC matapos itong maaresto

Sponsor ads


Ikinadismaya ng aktor at TV host na si KC Montero ang kawalan ng social distancing sa police truck na sinakyan niya kasama ang iba pang mga nahuli sa raid ng Makati City police sa isang resto-bar sa Salcedo Village, Makati.

Naaresto si KC, ang kanyang asawa at ang 120 iba pa dahil sa paglabag umano sa physical distancing measures na ipinatutupad sa ilalim ng general community quarantine areas, kung saan ay pinagbabawalan pa rin ang pagbubukas ng bars.

Ayon kay Montero, kabaliktaran ng social distancing ang nangyari.

Anya, inaresto sila dahil sa hindi umano sumunod sa social distancing measures ang resto-bar, ngunit pinilit naman sila na huwag mag-social distance pagdating sa patrol ng mga pulis.

Kabilang sa mga naaresto ang nasa 91 customers at tinatayang nasa 19 na empleyado ng establishimyento.

Aminado naman si Montero na posibleng may kasalanan rin siya dahil pumunta siya sa restaurant sa pag-aakala na pwede na ito magbukas at hindi pag-research.

Nanindigan naman ang may-ari, ang kinatawan ng resto bar, ang ilan sa mga customers at isang empleyado nito na sinunod nila ang social distancing measures na dapat ipatupad sa mga restaurants na pinapayagang magbukas sa ilalim ng GCQ areas.

Posible naman maharap ang mga naaresto sa paglabag sa Republic Act No 11332 o ang "Mandatory REporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act of 2018."