Close

Katy Perry, nakasungkit ng bagong record sa Twitter

Nasungkit ng Pop superstar na si Katy Perry ang panibagong record sa social media site na Twitter matapos pumalo sa 100 million ang followers nito.

Gamit ang hashtags na #WITNESS at #LoveKaty ay binati ng Twitter si Katy Perry.

Base sa post ng Twitter, ang hollywood popstar ang kauna-unahang user na umabot sa 100 million ang followers.

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Katy sa kanyang fans, sa pamamagitan ng live streaming, ang ginagawa niya araw-araw sa loob ng 96 hours.

Samantala, pumapangalawa naman sa may pinakamaraming followers sa Twitter si Justin Bieber na mayroong 97 million followers habang pangatlo naman si Taylor Swift na mayroong 85 million followers.