Close

Kathyrn Bernardo, getting ready na para sa Grand Ball 2019

Sponsor ads


Getting ready na si Kathryn Bernardo para sa inaabangang ABS-CBN Ball ngayong taon.

Sinamantala na ni Kathryn ang pagpunta sa Dubai para sa international premiere ng kanyang pelikula na Hello, Love, Goodbye para kitain ang kanyang haute couture designer na si Michael Cinco.

Kinuhanan ng kanyang go-to hairstylist at kaibigan na si John Valle ang behind-the-scenes sa pagkuha ng kanyang measurement para sa gown.

Agad naman itong pinost ng aktres sa kanyang instagram story.

Ito na ang ikatlong collaboration nina Kathryn at Cinco na isang Dubai-based Pinoy designer.

Una rito ay noong Star Magic Ball 2015 at pangalawa naman noong 2016 Star Magic Ball.