Close

Kathryn, itinagging retokada at gumagamit ng whitening products

Sponsor ads


Kathryn, itinangging lumaklak sya ng gluta; nagsalita na sa galit ng mga bashers

Nagsalita na si Kathryn Bernardo tungkol sa mga nangba-bash sa kanya at tinatawag syang retokada na lumalaklak daw ng skin-whitening products.

Itinanggi ng aktres ang akusasyong ito ng kanyang mga bashers pero sinabi niyang wala namang masama kung nais ng mga tao na i-improve ang kanilang itsura.

Giit ni Kat, di sya nagpa-gluta at marahil lamang dahil sya ay nagmature kaya't pumuti sya nang tumanda.

Marami kasing nagsasabing ang itim ni Kathryn noong bata pa at bigla na lamang pumuti noong lumaki.

Opinyon naman ni Kathryn tungkol sa pagpaparetoke, walang masama sa mga sumasailalim dito dahil katawan naman nila ito.

Wala rin daw masama kung gusto nilang mas gumanda pa at i-improve ang kanilang sarili.

Mababatid na mayroon ngayong movie si Kathryn kasama sina Sharon Cuneta and Richard Gomez na pinamagatang "3 Words to Forever".