Close

Kaso ng dengue sa Region 6, tumaas

Sponsor ads


ILOILO CITY — Tumaas ng 27% ang dengue cases mula January 1 hanggang May 26 ngayong taon kung ikukumpara sa kaparehung period ng 2017.

Ayon sa pamunuan ng Department of Health o DOH-6, tumaas sa 2,622 ang dengue cases na nairekord ngayong morbidity week 21.

Tumaas ang nairekord na dengue cases sa halos lahat ng areas sa Western Visayas.

Nanguna sa listahan ang Negros Occidental na may 1,240 na dengue cases; Aklan, 359; probinsya ng Iloilo na may 294; Antique ,197; Capiz, 142; Iloilo, City na may 90; at Guimaras na may 15 mga kaso ng dangue.

Samantala, nasa 18 na ang namatay dahil sa dengue ngayong taon kung saan, karamihan sa mga biktima ay nasa edad isang taon hanggang 10 taon.