Close

Kaso ng Dengue, bumaba ng 32 % -DOH

Kinumpirma ng Department of Health na bumaba na ng 32 porsyento ang kaso ng dengue ngayong taon.

Base sa tala ng DOH, mula sa 211,000 kaso noong nakaraang taon ay bumulusok ito sa bilang na 143,902.

Sa kabila naman ng pagbaba ng kaso nito ay papanatilihin pa rin umano ng DOH ang kanilang pagsugpo sa mosquito-borne virus.

Naitala ang pinaka-mataas na bilang ng kaso ng dengue ngayong taon sa Central Visayas Region na nasa 15.5%, na sinundan naman ng Central Luzon Region 13%, National Capital Region 12.2%, CALABARZON Region 11.4%, at SOCCSKSARGEN Region na mayroong 11.1%.

Payo naman ni DOH Secretary Paulyn Ubial, kinakailangan simulan ang pagsugpo sa dengue sa ating mga kabahayan at barangay.

Mahalaga umanong mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran at empty containers upang maiwasan ang pagkalat ng mga lamok na siyang nagdudulot ng sakit o virus.