Close

Kaso ng COVID-19 sa Maynila, dumoble

Sponsor ads


Dumoble ang mga kaso ng Coronavirus Disease 2019 sa lungsod ng Maynila sa loob lamang ng 24 oras.

Sinabi yan ni Mayor Isko Moreno habang patuloy namamahagi ang mga otoridad ng ayuda sa daan libong mga pamilya na labis na naapektuhan sa ipinatupad na lockdown.

Kagabi, mula 13 ay umabot na sa 30 ang kumpirmadong Covid 19 cases sa lungsod na mahigit 100% na pagtaas.

Ayon sa alkalde, kasama sa tala ang 2 namatay at ang isang 23 anyos na babae na gumaling na sa sakit.

Binigyang diin ni Moreno na talagang may pag asang gumaling ang mga tao na tatamaan ng virus.

Nanawagan naman si Mayor Isko sa publiko na alagaan ang mga itinuturing na bahagi ng vulnerable sector kabilang na ang ating mga ina, ama, lolo at lola dahil sa virus.//RAMAK KOWSARI




Image from: Isko Moreno Domagosa Facebook page