Close

Karpentero sugatan sa pananaksak ng kainuman

Sponsor ads


LAKE SEBU, SOUTH COTABATO - SUGATAN ang isang lalaki matapos itong saksakin ng kainuman sa Barangay Gym ng Barangay Bacdulong, Lake Sebu alas -10:30 ng gabi ng Disyembre 5.

Kinilala ang biktima na si Jubilado Elisan Tintero alyas "Lacay", 33-anyos, residente ng Purok Maligaya, Barangay Magsaysay, Koronadal City.

Sa imbestigasyon, nakipag-inuman ang biktima kasama ang katrabaho nitong si Jaime Galon Angeles Jr., 59-anyos, may-asawa at residente ng Barangay Lamian, Surallah ng magkaroon ang mga ito ng pagtatalo na nag-udyok kay Angeles na saksakin ang biktima.

Nagtamo ng saksak sa tiyan si Tintero,

Nahuli naman ang suspek na sa ngayon nasa kostudiya na ng Lake Sebu Municipal Police Station. (Tiffany Jill Trinidad)