Close

Karamihan sa Americans, hindi pabor na tumakbo si Oprah sa pagkapresidente

Sponsor ads


Karamihan sa mga Amerikano ay hindi pabor na tumakbo si Oprah Winfrey bilang pangulo ng bansa.

Ito ay kahit pa maraming nagmamahal sa naturang chat show queen.

Batay sa NPR, PBS, NewsHour at Marist Survey, 64% ng respondents ang pabor sa paniniwala ni Winfrey.

Ngunit nang tanungin ang mga ito kung pabor sila sa pagtakbo ni Winfrey bilang pangulo sa 2020, 35% lang ang nagsabing oo at 54% naman ang hindi.

Ayon naman kay Donald Trump, duda siyang tatakbo si Winfrey sa pagka-presidente.

Aniya pa, kung tumakbo man ang naturang show queen ay tiwala siyang siya pa rin ang mananalo.