Close

Karagdagang pondo vs COVID-19, ilalabas ng US

Sponsor ads


Anumang araw ay posibleng maipasa na ang panukala sa Estados Unidos na magbibigay ng karagdagang pondo sa kanilang gobyerno para labanan ang COVID-19.

Ayon kay US President Donald Trump, malapit nang maapubrahan ng House of Representatives ang $2.2 trillion relief bill.

Kumbinsido ang presidente na malaking tulong ang pondo sa pagbili ng mga gagamitin ng mga healthworkers at sa mga ikakasang relief operations.

Samantala, gagamitin din ang nasabing pondo para sa pagbibigay ng tulong sa mga manggagawa na naapektuhan ng lockdown partikular sa mga arawan lang ang kinikita.