Close

Kapatid ni ASG lider Sawadjaan, patay sa engkwentro sa Sulu

Sponsor ads


Napatay ng pwersa ng pamahalaan ang kapatid ng Abu Sayyaf lider na si Hatib Hajan Sawadjaan sa engkwentro sa Patikul, Sulu.

Ayon sa mga militar, nagsasagawa sila ng operasyon sa Sitio Tubig Pansol sa Barangay Langhub nang maka-engkwentro ang 40 miyembro ng ASG na kinabibilanganin rin ng ilang banditong ISIS.

Tumagal ang sagupaan ng 20 minuto.

Nasugatan sa bakbakan ang dalawang sundalo.

Ayon kay Western Mindanao Command Lt. Gen. Cirilito Sobejana, pursigido ang kanilang pwersa na tugisin ang mga terorista sa Sulu.

Samantala, kinilala naman ang napatay na kapatid ni Hatib bilang si Nanz Sawadjaan.

Si Nanz ang tinuturong mastermind sa pagpapasabog sa isang simbahan sa Sulu noong Enero na ikinasawi ng 22 katao at ikinasugat naman ng higit 100 indibidwal.