Close

Kapalmuks: Nanay, pinagbayad ang mga bisita sa bday party ng anak

Sponsor ads


Gusto naman nating lahat na maging masaya at simple ang birthday party ng ating mga anak.

Syempre di mawawala dyan ang mga cake, mga lobo, at party bags.

Pero kung kapos talaga si mommy at daddy, hindi naman kailangang gumastos talaga ng malaki para sa birthday ni anak.

Di katulad ng isang nanay na ito na naging kontrobersyal kung paano nya pinondohan ang upcoming party ng kanyang anak.

Sa isang post kasi sa parenting forum na NetMums, ibinunyag ng isang anonymous user na naimbitahan ang kanyang 10 taong gulang na anak sa party ng isa sa kanyang mga kaibigan.

Late notice na ito pero tinanggap parin nya ang invitation ng isang parent.

Pero laking gulat nya nang madiskubreng inaasahan na magbibigay sya ng pera kapalit ng pagdalo ng kanyang anak sa nasabing birthday party.

Sa kabuuan umano, ang hiningi ng nanay ay aabot sa 25 pound.

But wait, there's more, maliban sa hinihinging cash, ay kailangan ding magdala pa ng regalo ang kanyang anak sa birthday party.

Nagpuyos tuloy sa galit ang mga nanay sa nasbaing parenting forum dahil katwiran nila, kung di afford, ay wag nalang magpabongga ng birthday party.

Di naman daw kailangan na super celebration ang gawin para sa anak at ipaintindi na lang ng di pa kaya ng budget at babawi na lang sa susunod.