Close

Kanselasyon ng klase

Sponsor ads


Kanselado pa rin ang klase sa ilang mga lugar sa CALABARZON dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Kabilang sa mga nag-anunsyo ng suspensyon sa klase sa lahat ng antas, sa parehong pribado at pampublikong paaralan ay ang mga Probinsya ng Batangas, Cavite, at Laguna.

Kasalukuyan pa rin nakataas ang Alert Level 4 sa Bulkang Taal.

Ang ibig sabihin nito ay nanatiling posible ang napakadelikadong pagputok ng bulkan.