Close

Kampo ni Trump nakatikim ng talo sa state election

Sponsor ads


Nakatikim ng mapait na pagkatalo ang mga kaalyado ng Republicans na tumakbo sa pagka-gobernador sa Kentucky at Virginia.

Karamihan kasi sa nasa Kentucky at Virginia ay tutol sa administrasyon ni United States President Donald Trump.

Natalo ni Democratic Attorney General Andy Beshear si Republican Governor Matt Bevin kahit pa pinangunahan ni Trump ang election eve-rally nito.

Napagalaman naman sa opinion polls na kaya inayawan si Bevin ay dahil sa pakikipag-away nito sa ilang labor unions at teachers.