Close

Kampeonato, mas mahalaga sa Best Import Award - McCullough

Sponsor ads


Ipinagkipit-balikat ni San Miguel import Chris McCullough ang kabiguan nito na masungkit ang Best Import award sa 2019 PBA Commissioner's Cup.

Sinabi ni McCullough na hindi mahalaga sa kanya ang Best Import Award, dahil ang importante para sa kanya ay ang kampeonato.

Napunta ang nasabing award sa dating miyembro ng Houston Rocket, na si TNT import Terrence Jones matapos nitong manguna sa botohan at statistics.

Pinalitan ni McCullough si Charles Rhodes sa gitna ng elimination round, at nagtapos sa pangatlong pwesto na kasunod ni Barangay Ginebra import Justin Brownlee.

Matapos tanggapin ni Jones ang Best import award ay si McCullough ang nanguna matapos nitong magtala ng 27 points at 22 rebounds sa naipanalong Game 4 ng San Miguel kontra TNT na nagtapos sa 106-101.

Nasa 2-2 na ang standing ng TNT at SMB sa best-of-7 finals.

Mababatid na gaganapin ang Game 5 sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

(Photo from: ESPN 5)