Close

Kamatayan ni Revilla Sr., kinumpirma ni Senator Bong Revilla

Sponsor ads


Kinumpirma ni Senator Bong Revilla na pumanaw na ang kanyang ama na si Ramon Revilla Sr.

Sa isang Facebook post ay sinabi ng senador: "Wala na po ang tatay ko, please pray for him."

Ayon kay Revilla, nasawi ang kanyang ama bandang 5:20 p.m. nitong Biyernes dahil sa heart failure.

Dagdag ni Revilla, nagpapasalamat sila sa lahat ng pagmamahal at dasal na kanilang natanggap.

93-anyos na nasawi ang dating senador at aktor.

Mababatid na isinilang si Revilla Sr. noong March 8, 1927 sa Imus, Cavite at nabigyan ng pangalan na Jose Acuña Bautista.

Sumikat si Revilla bilang action star noong 1950s bago ito pumasok sa gobyerno bilang senior intelligence officer na may ranggo na major sa Bureau of Customs mula 1965-1972.

Bumalik si Revilla sa showbiz noong 1970s kung saan ay napasikat niya ang agimat dahil sa naging papel nito sa mga pelikulang Nardong Putik (1972) at Pepeng Agimat (1973).