Close

Kamara, all set na para sa ikatlong SONA ni Duterte

Sponsor ads


Kinumpirma ni House Majority Leader Rudy Fariñas na handa na ang Kamara para sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23.

Ayon kay Fariñas, plantsado na ang lahat mula sa koordinasyon kabilang na ang designated areas para sa mga miyembro ng media, mahigpit na seguridad at programa.

Magsasagawa rin ngayong araw ng inter-agency coordination meeting na susundan ng walk-through kasama ang itinalagang direktor ng SONA na si Binibining Joyce Bernal.

Bukod sa ikatlong ulat sa bayan ay pinaghahandaan rin ng Mababang Kapulungan ang posibilidad na malagdaan na ni Pangulong Duterte ang Bangsamoro Basic Law.

Sa sandaling maratipikahan ng Senado at Kamara ang BBL sa unang araw ng sesyon ay maaaring mapirmahan na rin ito ng punong ehekutibo sa kaparehong araw.