Close

Kamalian sa GCTA list kwinestyon ng ilang senador

Sponsor ads


Ikinapagtaka ni Senador Richard Gordon kung bakit nasa listahan ng mga eligible para sa Good Conduct Time Allowance ang pangalan ng pork barrel scam mastermind na si Janet Lim Napoles.

Kwinestyon ni Gordon ang Bureau of Corrections kung may intensyon ba itong palayain si Napoles.

Nagtaka rin ang senador kung bakit rape ang nakalagay na kaso ni Napoles gayong nasintensyahan ito dahil sa kasong plunder.

Ayon kay Justice Undersecretary Deo Marco, iniimbestigahan na nila ito.

Si Marco ang pinuno ng komite na responsable sa pagrereview ng mga aktibidad ng BuCor.

Giit niya, dapat magpaliwanag ang BuCor kung bakit nasa listahan si Napoles ,o kung namali lamang ba ito sa encoding.