Close

Kalusugan ni Pope Francis, binabantayan matapos makasalamuha Tagle na nagpositibo sa COVID-19

Sponsor ads


Minomonitor ngayon ng mga health officials ng Vatican ang kalusugan ni Pope Francis matapos nitong makasalamuha si Luis Antonio Cardinal Tagle na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa mga ulat, nagkasama sina Tagle at ang Santo Papa noong Agosto 29, ilang araw bago madiskubre na positive sa virus ang Cardinal.

Ayon kay Vatican Secretary of State Pietro Parolin, mahigpit ngayong binabantayan ang kalagayan ng 83-anyos na Santo Papa.

Sa kabila nito, tiniyak ni Parolin na walang dapat ikapangamba para sa kalusugan ng supreme pontiff dahil nananatili itong malusog at malakas.

Matatandaang matagal ring isinara sa publiko ang Vatican matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang mga opisyal ng simbahan na naninirahan sa Vatican.