Close

Kaliwa dam, magre-resolba sa problema sa tubig ng Manila

Sponsor ads


Naniniwala si Finance Secretary Carlos Dominguez III na naiwasan sana ang kasalukuyang krisis sa tubig ng Metro Manila kung tinuloy lang ng mga nagdaang administrasyon ang konstruksyon sa Kaliwa Dam.

Sinabi ni Dominguez na ang service interruptions ng Manila Water ay lalong nagpapatunay na kailangan na masimulan ang konstruksyon ng dam.

Tinatayang nasa P12.2-billion ang halaga ng dam at kung sisimulan naman ang konstruksyon ngayon ay inaasahan na matatapos ito sa 2023.

Kukunin ang 85% ng pondo nito sa China, habang ang natitirang 15% ay sasagutin ng Pilipinas.

Matatandaan na ginawang pormal ang kontrata sa proyekto noong bumisita sa Manila si Chinese President Xi Jinping noong 2018.

Mababatid na ang dam na bubuoin ng China Energy Engineering Corporation ay itatayo sa mga munisipalidad ng General Nakar at Infanta sa Quezon Province.