Close

Kaladkaren at bf, nagcelebrate ng 6 wonderful years anniv

Sponsor ads


Nagcelebrate ng sixth year anniversary ang impersonator na si Kaladkaren at ang kanyang Bristish boyfriend.

Proud na nagpost si Kaladkaren, o Jervi Li sa totoong buhay ng picture nila ng boyfriend na kuha sa Bridge of Sighs sa Oxford, England.

Ito ay may caption na “Thank you for reminding me everyday that I deserve to be loved for all of who I am. #LoveWins”

Winner na winner si Kaladkaren sa kanyang nobyo na hindi lang proud sa kanya kundi caring pa!

Kwento niya, madalas siyang binibisita ng bf sa Pilipinas mula sa England.

Nakapag-travel na rin ang dalawa sa Europe kung saan ang nobyo pa niya ang laging nagbibitbit ng kanyang suitcases.

Bukod pa rito ay ipinagluluto rin siya nito at nagagawa ring itolerate ang kanyang pagtotoyo.

Tanggap rin ng kanilang pamilya ang kanilang relasyon.