Close

Kalabaw isinilang na may dalawang ulo

Sponsor ads


Pinagkaguluhan ng mga residente ng Kumalarang sa Zamboanga del Sur ang isang kalabaw na isinilang na mayroong dalawang ulo.

Maliban kasi sa dalawang ulo, dalawa din ang ari nito, may apat na mata at tatlong tenga.

Subalit sa kasamaang palad hindi din nagtagal ang buhay ng nasabing hayop.

Ayon sa may-ari ng kalabaw na si Rosalie Laguna, pangalawang beses na nang nanganak ang inahin nilang kalabaw subalit ngayon lang ito nangyari.

Ang ina ng nasabing hayop na may dalawang ulo ay ang limang taong gulang nilang kalabaw na ginagamit sa bukid.

Agad din naman inilibing nitong Lunes ang sanggol na kalabaw sa Barangay Boyugan East.