Close

Kai Sotto, tinanghal bilang UAAP juniors MVP

Sponsor ads


Tinanghal bilang Most Valuable Player ng UAAP Season 81 juniors basketball tournament ang 7-footer teenager na si Kai Sotto.

Kumolekta si Sotto ng 97.00 statisticals points sa pagtatapos ng elimination round.

Malaki ang lamang ni Sotto kung ikukumpara sa pinakamalapit niyang kakumpitensya na si Mark Nonoy ng University of Sto. Tomas na nagtala ng 81.93 statisticals points.

Nakakuha din si Sotto ng average na 25.1 points, 13.9 rebounds, at 2.6 blocks kada laro para sa Blue Eaglets.

Mababatid na nagtapos ang defending champions sa elimination round na may 11-3 win-loss record at kasalukuyan itong nakakapit ngayon sa second seed ng Final Four.

(PHOTO: ABS-CBN)