Close

Kabataang may maiksing oras ng tulog, prone sa drug use, suicide

Sponsor ads


Nagbabala ang mga mananaliksik mula US na mas mataas ang tyansang gumamit ng droga, uminom ng alak o magpakamatay ang mga High school students na mas kaunti ang oras ng pagtulog.

Ayon sa datos ng Centers for Disease Control and Prevention, 30 porsyento lamang ng kabataan ang nakakatulog ng walo hanggang sampung oras, 22 porysento naman ang nagsabing anim na oras silang nakakatulog habang 18 porsyento ang nagsabing mas mababa sa anim na oras ang kanilang tulog kada-araw.

Kumpara sa kabataang natutulog ng walong oras dalawang beses na mas mataas ang tyansang ang mga kabataang natutulog ng anim na oras lamang ay nakagamit na ng marijuana, sigarilyo o iba pang droga, nakainom ng alak at maaring nakapag maneho ng may impluwensya ng alak ; Dalawang beses din na mas mataas ang tyansang ito'y magdala gamit sa pakikipag away at makipag away habang tatlong beses na mas mataas ang tyansang ito'y magpatiwakal.

Base ito sa analysis ng mga datos ng CDC's Youth Risk Behavior Surveys simula 2007 hanggang 2015 kung saan aabot sa 68,000 high school students mula private at public schools ang nakiisa.

Samantala ayon kay Matthew Weaver na nanguna sa pag-aaral hindi direktang naipapaliwanag ng kanilang pag-aaral ang epekto ng kulang na tulog sa pagkakaroon ng gantong uri ng pag-uugali ng kabataan.

Dagdag pa niya, sa kabila nito kinakailangan pa rin masigurado ng mga magulang na may sapat na tulog ang kanilang anak, kung maari limitahan ang oras ng pag-gamit ng gadgets ng kanilang anak upang mas maagang makatulog ang mga ito.