Close

Kababata ni Pacquiao na si Buboy Fernandez, wagi bilang bise-alkalde

Sponsor ads


Mahigit dalawang libo ang lamang ni Restituto "Buboy" Fernandez sa karibal nito na si Borja Atom, upang manalo bilang bise alkalde sa Polangui, Albay.

Si Buboy, na tumakbo sa ilalim ng ticket ng PDP-Laban, ay ang kilalang kababata at trainer ni boxing-senator Manny Pacquiao.

Sa huling bilang ng Commission on Elections ay nakakuha ng 19,895 na boto ang bagong bise-alkalde na si Fernandez na mas mataas kung ikukumpara sa 17,771 votes na nakuha ni Borja Atom.

Bago naging bise-alkalde ay nagsilbi muna si Buboy bilang konsehal sa Polangui.

Mababatid na kakailanganin ni Fernandez na balansehin ngayon ang kanyang karera sa politika at sports dahil sa ngayon ay babalik na sila ni Pacquiao sa training camp upang paghandaan ang undisputed WBA welterweight championship kung saan ay makakalaban ng pambansang kamao si Keith Thurman.

Samantala, magsisilbi naman alkalde ng Polangui si Andy Mariscotes na nakalikom ng 15,032 na boto.